Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang Surigao del Sur alas-siete singkwenta’y singko kagabi.
Ayon sa PHIVOLCS, namataan ang pagyanig sa layong 7 kilometers sa Bayabas, Surigao del Sur.
May lalim ang lindol na 55 kilometers at tectonic ang origin o pinagmulan nito.
Naitala ang Intensity IV sa Bayabas, Tago, at Tandag City, Surigao del Sur.
Intensity III sa Cagwait at Marihatag, Surigao del Sur maging ang Rosario, Agusan del Sur.
habang Instrumental Intensity I naman ang naitala sa Tandag City, Surigao del Sur; Nabunturan, Davao de Oro; at Cabadbaran City, Agusan del Norte.
Wala namang naiatalang nasawi o nasugatan habang wala ring inaasahang damage at aftershock matapos ang lindol.