Apat (4) na miyembro ng Abu Sayyaf at tatlong (3) sundalo ang patay habang dalawampu’t dalawa (22) ang sugatan sa nangyaring bakbakan sa Patikul, Sulu kahapon.
Ayon kay Western Mindanao Command Spokesman Col. Gerry Besana, alas-6:00 ng umaga kahapon nang magsagawa ng security operations ang tropa mula sa 5th Scout Ranger Battalion nang maka-engkwentro ng mga ito ang nasa walumpung (80) miyembro ng Abu Sayyaf sa Sitio Atol, Barangay Latih.
Tumagal ng tatlumpung (30) minuto ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng mga bandido.
Agad namang nailipad patungo sa military hospital sa Jolo sa pamamagitan ng huey helicopter para malapatan ng lunas.
Tinutugis naman na ng Joint Task Force Sulu ang mga natitira pang miyembro ng Abu Sayyaf na naka-engkwentro ng militar.
—-