Sugatan ang apat na taong gulang na batang lalaki makaraang mabaril sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Compostela, Davao De Oro nitong Martes ng gabi.
Ayon sa imbestigayon ng otoridad, nakaupo at katabi lamang ito ng kanyang ama ng mangyari ang insidente.
Ayon pa sa salaysay, nakikipag-inuman ang kanyang ama sa miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit o CAFGU kasama ang ilang kaibigan nang biglang may pumasok na tatlong hindi pa nakikilalang armadong lalaki at namaril.
Dito na tinamaan ng bala ang bata sa kaliwang bahagi ng kanyang baywang at agad naman dinala sa pagamutan.
Nagpapagaling naman na sa ospital ang biktima habang tinutugis na ang mga armadong lalaki na namaril sa bahay ng bata.―sa panulat ni Rex Espiritu