Inihayag ng Judicial and Bar Council (JBC) na apat na aplikante ang kabilang sa shortlist para sa susunod na Deputy Ombudsman for the Military And Other Law Enforcement Offices.
Kabilang sa pinagpipilian ni Pangulong Duterte sina Assistant Ombudsman Jose Balmeo Jr. at Ombudsman Director Beda Epres, at Lawyer Camilo Correa at voltaire san pedro.
Isinumite na sa malakanyang ang listahan ng mga aplikanteng kabilang sa shortlist.
Nitong Hunyo 2 nang matapos ang pitong taong termino ni dating deputy Ombudsman for the Military and Other Law Enforcement Offices Cyril Ramos. —sa panulat ni Hya Ludivico