Pinayagan ng Sandiganbayan ang kahilingan ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. na madagdagan ang oras ng kaniyang physical therapy sessions.
Isinumite ng kampo ni Revilla ang rekomendasyon ni Senior Inspector Francis Agudon III, doktor ng PNP General Hospital na maipagpatuloy at makumpleto ang 6 na therapy sessions ng senador.
Nais din ng kampo ni Revilla na gawing dalawang oras ang kada sesyon ng therapy ng senador.
Ayon sa medical records ni Revilla, ang senador ay may herniated nucleus pulposus lumbar region, achilles tendinitis, osteoarthritis sa dalawang heels at acute t/c de quervain’s tenosynovitis.
By Judith Larino | Jill Resontoc (Patrol 7)