Napanatili ng Bagyong ‘Tisoy’ ang lakas nito habang kumikilos pa-Kanluran.
Makararanas hanaggang mamayang hapon ng panaka-nakang malakas na buhos ng ulan ang Bicol Region, Samar Provinces at Biliran.
Pabugso-bugsong malakas na buhos ng ulan naman ang mararanasan sa Northern Cebu, Northern Negros Island, Dinagat Islands, Siargao Islands at nalalabing bahagi ng Eastern Visayas.
Makararanas naman bukas hanggang Miyerkules ng tanghali ng madalas hanggang patuloy na mabigat na buhos ng ulan sa Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, Mindoro Provinces, Marinduque at Romblon.
Pabugso-bugso at panaka-nakang malakas na buhos ng ulan naman ang mararanasan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Pangasinan, Aklan, Capiz, at northern Anique.
Pinapayuhan ang mga residente sa mga naturang lugar na mag-ingat dahil sa posibleng maranasang pagbaha at lanslides.
Pinaalalahanan din ang mga residente sa Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes at Samar dahil naman sa Storm surge na posibleng makaapekto sa mga naturang lugar.
Samantala, tinatayang magla-landfall ang Bagyong ‘Tisoy’ sa Catanduanes, Albay o Sorsogon mamayang gabi o bukas ng umaga.
Huling namataan ang Bagyong ‘Tisoy’ sa layong 275 kilometers silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 185 kph.
Nakataas na ang Tropical Cycline Wind Signal No. 3 sa mga sumusunod na lugar:
- Catanduanes,
- eastern portion of Camarines Sur (Caramoan, Presentacion, Garchitorena, Lagonoy, Tinambac, Siruma, San Jose, Goa, Tigaon, Ocampo, Sagñay, Buhi, Iriga City, Baao, Nabua, Bato),
- Albay,
- northern portion of Sorsogon (Donsol, Pilar, Castilla, Sorsogon City, Prieto Diaz, Gubat, Casiguran, Barcelona, Juban, and Magallanes).
Nakataas naman ang Tropical Cycline Wind Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:
- Metro Manila,
- Bulacan,
- Southern Aurora (Dingalan),
- Cavite,
- Batangas,
- Laguna,
- Rizal,
- Quezon kabilang na ang Polillo Islands,
- Oriental Mindoro,
- Occidental Mindoro,
- Marinduque,
- Romblon,
- Camarines Norte,
- nalalabing bahagi ng Camarines Sur,
- nalalabing bahagi ng Sorsogon, at
- Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands
- Northern Samar,
- Eastern Samar,
- Samar, at
- Biliran.
Nakataas din ang Tropical Cycline Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
- Southern Isabela (Palanan, Dinapique, San Mariano, San Guillermo, Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, Luna, Aurora, Cabatuan, San Mateo, Cauayan City, Alicia, Angadanan, Ramon, San Isidro, Echague, Cordon, Santiago City, Jones and San Agustin),
- Mountain Province,
- Ifugao,
- Benguet,
- Nueva Vizcaya,
- Ilocos Sur,
- La Union,
- Pangasinan,
- Quirino,
- nalalabing bahagi ng Aurora,
- Nueva Ecija,
- Tarlac,
- Pampanga,
- Zambales,
- Bataan, at
- Calamian Islands
- Aklan,
- Capiz,
- Antique,
- Iloilo,
- Guimaras,
- northern portion ng Negros Occidental (Bacolod City, Bago City, Cadiz City, Calatrava, Enrique B. Magalona, Escalante City, La Carlota City, Manapla, Murcia, Pulupandan, Sagay City, Salvador Benedicto, San Carlos City, San Enrique, Silay City, Talisay City, Toboso, Valladolid, Victorias City),
- Northern Cebu (Daanbantayan, Bantayan, Madridejos, Santa Fe, Medellin, Bogo City, San Remigio, Tabogon, Tabuelan, Borbon, Sogod, Catmon, and Asturias),
- Metro Cebu (Balamban, Toledo City, Pinamungahan, Aloguinsan, Naga City, Talisay City, Cordova, Minglanilla, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Cebu City, Consolacion, Liloan, Compostela, and Danao City),
Leyte, at - Southern Leyte Dinagat Islands at,
- Siargao Island.