Apat katao kabilang ang isang pulis at isang barangay kagawad ang naaaresto dahil sa iligal na pagpapaputok ng baril.
Batay ito sa tala ng Philippine National Police o PNP mula December 16 hangang kaninang alas-6:00 ng umaga.
Isa sa mga naaresto ay taga-Metro Manila, isa sa Region 3, isa sa Region 1 at isa sa Region 7.
Bukod dito mayroon pang isang pulis sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM at isang sibilyan sa Metro Manila ang pinaghahanap ngayon dahil din sa indiscriminate firing.
Batay pa sa tala ng PNP, isang taga-Central Luzon ang kumpirmadong sugatan matapos tamaan ng ligaw na bala.
—-