Inaresto ng mga otoridad ang apat na suspek sa ikinasang Anti-Illegal Drug Operation sa Parañaque City.
Kinilala ang mga suspek na sina Sunsodin Abuin Nulotan, alyas “Kiram,” 33-anyos; Alvin Sakatani Dalamban, 25-anyos; Rohanin Ungad Kali, 22-anyos; at Fatima Almira Delos Santos Abdulmari, 26-anyos.
Ayon sa mga tauhan ng Parañaque City Police Station, nasamsam sa mga suspek ang aabot sa dalawamput limang gramo ng shabu o katumbas ng labing anim na pakete ng shabu na may street value na P170,000; marked money at isang wallet.
sa ngayon, pansamantalang nakapiit sa Parañaque City Police Station Custodial Facility ang apat na suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.