Tiniyak ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na pag-iibayuhin nila ang kampanya laban sa mga pinaghahanap ng batas upang matiyak na magiging ligtas ang ating komunidad.
Ito’y makaraang maaresto ng CIDG ang apat na indibidwal kabilang ang dalawang most wanted persons sa magkakahiwalay na operasyon.
Ilan sa mga ito ayon kay CIDG Director P/BGen Albert Ferro sina Ken Hamsi Asutillo, no. 6 most wanted person ng Police Regional Office (PRO) 4A na naaresto sa General Trias City, Cavite dahil sa dalawang kaso ng rape.
Sa Mahaplag, Leyte, nalambat si Wennie Villaremo Oghayon, no. 1 most wanted person ng probinsya dahil sa two counts ng rape at two counts ng paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Habang naaresto sina Emzar Rodriguez at Marlo Gersalia Gutlay, kapwa nahaharap sa paglabag sa Anti-Hazing Law matapos ang operasyon sa Sta Rosa, Laguna at Taguig City.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9