Umabot na sa apat na barangay sa Parañaque City ang wala nang naitatalang kaso ng COVID-19.
Batay sa City Epidemiology and Surveillance Unit, COVID-free na ang barangay baclaran, don galo, sto. Niño at Don Bosco.
Bumaba naman sa 38 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan pinakamarami ay nagmula sa BF Homes na mayroong sampu.
Nasa 49,715 ang bilang ng kabuuang gumaling habang 778 ang namatay sa lungsod dahil sa COVID-19.–