Apat (4) na bayan sa Batangas ang pinaka-apektado ng pagputok ng Bulkang Taal.
Kabilang dito –ayon kay Joselito Castro, pinuno ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) –ang mga bayan ng Talisay, Laurel, Agoncillo at San Nicolas, habang patuloy ang paglilikas sa mga residente sa iba pang bayan sa Batangas.
Batay sa pinakahuling datos ng Batangas PDRRMO (as of 9:40AM), nasa mahigit 2,500 pamilya o halos 14,000 indibidwal ang apektado nang pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Sinabi ni Castro na nagiging hadlang sa evacuation ang makapal na abo na nagmumula sa bulkan na nagdudulot ng zero visibility.
Patuloy ang panawagan ng Batangas Provincial Government sa mga mamamayan na mag-ingat sa masamang epekto sa kalusugan ng abo mula sa bulkan.
Pinapayuhan ang mga nasa loob ng danger zone na sumunod sa abiso ng mga otoridad hinggil sa evacuation.