Laya na ang apat (4) kataong dinukot ng Maute terror group sa Purok 4, Barangay Sandab, Butig, Lanao del Sur.
Sinasabing bunga ng negosasyon ang pagpapalaya sa mga biktimang sina Julito Janobas, Gabriel Permites, Adones Mendez at Alfredo Canoos, pawang empleyado ng isang saw mill.
Ayon kay Lanao del Sur Provincial Police Director Senior Supt. Rustom Duran, kaagad isinalang sa medical stress debriefing ang mga biktima.
Nananatiling namang hawak ng Maute group sina Salvador at Jemarc Permites.
By Judith Larino