Halos 4 bilyong piso ang kailangan ng Department of Education para i-repair ang mga silid aralan na naapektuhan ng Bagyong Odette.
Ayon kay Education Secretarty Leonor Briones, nasa mahigit 2,500 silid-aralan ang sinira ng Bagyong Odette sa mga lugar na sinalanta nito.
Ipinabatid ni Briones na mayroon na lang P230-M quick response fund ang DepEd na uubrang gamitin sa mga rehiyong naapektuhan ng bagyong.