Apat na convicted Chinese drug lords ang kabilang sa mga pinalaya ng Bureau of Correction (BuCor).
Ito, ayon kay Sendor Panfilo “Ping” Lacson, ay pinalaya noong June 20 at inilagay sa kustodiya ng Bureau of Immigration para sa posibleng deportasyon.
Kinilala ang naturang Chinese nationals na sina Chan Chit Yue, Kin San Ho, Ching Che at Wu Hing Sum.
Dagdag ni Lacson, kabilang sa kanilang sisiyasatin sa itinakdang pagdinig sa senado hinggil sa Good Conduct Time Allowance sa kung sino ang dapat managot sa mga kwesityunableng pagpapalaya sa mga convicts sa karumal-dumal na krimen.
Giit pa ni Lacson, hindi nito direktang sinasabi na may dawit na malaking halaga sa naturang isyu ngunit hindi aniya malayong isipin na mayroon ngang anomalya rito.
With report from Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)