Nasagip ng mga awtoridad ang apat na dinukot na Chinese nationals sa kanilang ikinasang operasyon sa Quezon City at Pampanga nitong Miyerkules ng gabi.
Sa isang pahayag, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Debold Sinas na ang naturang pagka-rescue sa mga biktima ay dahil sa rerespondo ang mga tauhan ng PNP-Anti-Kidnapping Group (AKG) at Anti-Kidnapping Action Committee sa isa kaso ng padukot sa isang babaeng Chinese national.
Ang naturang babaeng Chinese national ay na-rescue sa isang clinic sa Quezon City dakong ala-6 ng gabi.
Kinilala ang mga suspek bilang sina:
- Liang Khai Chean, isang Malaysian;
- Mou Yun Peng, isang Chinese;
- at ang Pinoy na si Benjie Labor.
Habang isinasagawa ang debriefing ng biktima, sinabi nito sa mga awtoridad na may iba pang bihag ang mga suspek sa safe house sa Mexico, Pampanga na dati ring pinaglagyan sa kanya.
Matapos nito, na-rescue ang tatlo pang Chinese nationals na bihag ng walong suspek na kinabibilangan ng dalawang Chinese nationals at anim na mga Pilipino.
Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek.
LOOK: 4 na dinukot na Chinese, nasagip ng PNP (: PNP-AKG) | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/iiduE2gpjf
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) February 25, 2021