Apat na barkong pandigma ng China ang dumaan sa karagatang bahagi ng Palawan nang hindi ipinagbibigay-alam sa mga otoridad ng Pilipinas at binalewala ang radio warning mula sa militar noong Hunyo.
Ayon sa Western Command Chief Vice Admiral Rene Medina, isa sa apat na Chinese navy vessel ang naglayag sa karagatang sakop ng Balabac at hindi tumugon sa kanilang radio warning, hapon noong Hunyo 17.
Dagdag ni Medina, kinagabihan ng Hunyo 17, tatlong panibagong barko ng China ang dumaan din sa kaparehong ruta at isa lamang sa mga ito ang nagbigay ng bow number sa nagradyong militar at wala nang iba pang impormasyon.
Sinabi ni Medina, ginamit na batayan ang insidente para irekomenda ng AFP ang pagkakaroon ng diplomatic action na kilala naman aniya ng Department t of Foreign Affairs (DFA).
Una nang isiniwalat ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang apat na beses na pagdaan ng Chinese warship sa Sibutu Strait sa Tawi-Tawi nang walang koordinasyon sa Pilipinas simula noong Pebrero.