Sinuspindi ni Chief Justice Diosdado Peralta ang trabaho sa Korte Suprema sa loob ng apat na araw.
Sa inilabas na abiso ng Korte Suprema, ito’y para bigyang daan ang isasagawang disinfection, cleaning, at sanitation sa mga gusali nito.
Epektibo ang suspensyon sa mga panggawa sa Korte Suprema simula bukas, Marso 11 sa linggo Marso 14.
Sa kabila nito, nilinaw ni Peralta na ang mga itinuturing na ‘urgent matters’ ay kailangang tugunan ng mga nakatataas na opisyal ng iba’t-ibang tanggapan.
Kaugnay nito, epektibo sa Marso 15 hanggang a-19 ay magsasagawa ng skeletal force ang Korte Suprema para mapanatili ang social distancing at health protocols sa mga tauhan nito.