Plano na ng provincial government ng Negros Occidental ang pagsasagawa ng apat na araw na bakunahan kontra COVID-19.
Ayon kay Dr. Ernell Tumimbang, Provincial Health officer, ipinanukala na niya ang programa kay Negros Occidental Governor Eugenio Jose Lacson.
Bagaman wala pang eksaktong petsa, kampante si Tumimbang na makatutulong ang plano upang mas marami ang mabakunahan sa probinsya.
Nananatili sa Alert level 2 ang buong Negros Occidental maliban sa Bacolod City, mga bayan ng EB Magalona, Pulupandan, San Enrique, Candoni, Sagay, Victorias at La Carlota City na nasa Alert level 1.
Hanggang Mayo 19, umabot na sa 12 ang aktibong kaso sa naturang lalawigan.