Iminungkahi ng Civil Service Commission (CSC) na pagsamahin na lamang ang four-day work week at work-from-home arrangement para matiyak ang work-life balance ng mga empleyado.
Ayon kay CSC commissioner Aileen Lizada, mas maraming hirap na nararanasan ang mga empleyado kung mas mahaba ang working hours ng mga ito.
Halimbawa aniya dito ang pagpasok sa opisina sa loob ng apat na araw at pag-uwi sa bahay sa ikalimang araw.
Inaasahang ngayong araw, Marso 21, ilalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon hinggil dito.—-sa panulat ni Abby Malanday