Aprubado na sa kamara sa ikatlo at huling pagbagsa ang House bill 6152 o panukalang batas na magpapahintulot sa four-day work week.
Alinsunod sa bill, maaaring bawasan ng mga kumpanya ang five-day work week sa pamamagitan ng pagdaragdag ng dalawa o apat na oras kada araw mula sa walong oras na trabaho bawat araw.
Ayon kay Baguio City Rep. Mark Go, isa sa mga may-akda ng panukalang batas, magiging “flexible” na ang oras ng mga employer at empleyado sa trabaho na kailangan para sa balanseng pamumuhay.
Aamyendahan sa bill ang articles 83, 87 at 91 ng labor code na layuning i-promote ang business competitiveness, work efficiency, at labor productivity.
Gayunman, nilinaw ni Go na ang nasabing panukala ay “optional” para sa mga empleyado.