Pinag-aaralan na ng Malakanyang ang mungkahing magpatupad ng four-day work week upang mabawasan ang matinding epekto ng walang-prenong oil price increase.
Ayon kay Acting Presidential Spokesman Martin Andanar, kailangang maging maingat sa pagsusuri ng naturang hakbang at dapat ding balansehin ang rekomendasyon.
Una nang iminungkahi ni Socio-Economic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na ipatupad ang 4-day work week upang makatipid ang publiko sa gastos sa pagko-commute.