Maaaring magpatupad ang gobyerno ng 4-day work week sa gitna ng walang prenong pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ito ang inirekomenda ni Socio-Economic Planning Secretary Karl Kendrick Chua sa kanyang pagharap sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Chua, Director-General ng National Economic and Development Authority (NEDA), makatitipid ang publiko sa gastos sa pag-ko-commute at mga motorista sa konsumo sa krudo kung mayroong 4-day work week.
Nasubukan naman na anya noong dekada nobenta ang nasabing hakbang na naging epektibo kontra sa oil price increase na idinulot ng giyera sa Iraq.