Natuloy na ang pagbitay sa apat (4) na nigerians at isang Indonesian na convicted drug traffickers sa Indonesia.
Binitay ang limang death convicts sa pamamagitan ng firing squad.
Ayon kay Noor Rachmad ng Attorney Generals Office sa Indonesia, hindi nila itinuloy ang pagbitay sa 10 iba pa dahil sa iba’t ibang kunsiderasyon.
Napag-alamang patuloy ang pakikipag-negosasyon ng India at Pakistan upang iligtas sa bitay ang kanilang kababayang nakakulong ngayon sa Indonesia.
Nasa 152 katao pa ang nasa death row sa Indonesia, kabilang na ang Pinay na si Mary Jane Veloso.
By Len Aguirre