Patay ang apat na umano’y dayuhang terorista sa ikinasang airstrike ng Philippine Airforce sa Liguasan Delta sa Central Mindanao.
Ang mga naturang dayuhan ay kabilang sa dalawampu’t tatlong (23) miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF na nasawi sa inilunsad na law enforcement operation ng joint task force central ng militar.
Kaugnay nito, pinaghahanap ang labi ng mga naturang dayuhang terorista sa pinaigting na operasyon ng joint task force central sa Liguasan Delta.
Una nang lumutang ang labing limang (15) foreign looking na kasama umano sa grupo ni Shiek Esmail Abdulmalik alias Kumander Abu Toraifie ng BIFF ISIS-inspired group at Kumander Abu Walid ng Daesh Terrorist Group.
Ang grupo ni Toraifie ay mayroong direktang ugnayan sa ISIS at Jemaiah Islamiah.
—-