Dedesisyunan na ng Department of Justice (DOJ) ang apat na kasong isinampa laban kay Senador Leila de Lima.
Tinukoy ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang mga kasong may kaugnayan sa koneksyon ni De Lima sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP) na isinampa ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), ng dalawang dating NBI Director, ni Jaybee Sebastian at ng NBI mismo.
Ayon kay Aguirre, sakaling lumabas na may probable cause para kasuhan si De Lima ay agad nila itong isasampa sa Office of the Ombudsman para sa kaukulang review.
Nasa kamay na anya ng Ombudsman kung makakakita sila ng sapat na basehan para kasuhan si De Lima sa Sandiganbayan.
Samantala, isusunod agad ng DOJ panel ang kaso laban kay De Lima at Kerwin Espinosa.
Gayunman, posible anyang si De Lima lamang ang matira sa kaso dahil posibleng gawin nilang state witness si Espinosa.
Bahagi ng pahayag ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre
San Juan shabu lab raid
Samantala, naniniwala si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na naputol na ang supply ng shabu na pinadadala sa Mindanao.
Ito ay matapos masakote ng PDEA ang tatlong shabu lab sa San Juan City at makuha ang mahigit 800 kilo ng shabu.
Ipinaliwanag ni Aguirre na bagamat Setyembre nila natanggap ang intelligence report, Disyembre na nang kanilang simulan ang raid at ito ay tiyak na masusundan pa.
Bahagi ng pahayag ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre
By Len Aguirre | Katrina Valle | Ratsada Balita