Apat na drug offender ang buena manong binigyan ng death warrants kasunod ng pagtatapos ng 42 taong moratorium sa death penalty sa Sri Lanka.
Ayon sa kay Sri Lankan President Maithripala Sirisena, nais niyang ibalik ang parusang bitay upang matuldukan ang paglala ng kalakalan ng iligal na droga.
Ang apat na mauunang isalang sa death penalty ay pawang mga drug offender.
Hindi ibinigay ang eksatong araw ng pagbitay ngunit siniguro ng pangulo na magaganap ito sa lalong madaling panahon.