Ito’y ayon sa DENR matapos labagin ng mga nasabing dumpsite sa Bacolor, Porac, at San Fernando ang Clean Air Act dahil sa pagsusunog ng hazardous wastes.
Sa isinagawang surveillance ng Solid Waste Division ng DENR nuong Lunes, Nobyembre 11, nadiskubre ang dami ng mga nakakalat na basura na halos hindi na rin makita ng sumunod na araw sa pag-i inspeksyon ng DENR officials matapos na tabunan ito ng lupa.
Sinabi ni DENR Undersecretary Benny Antiporda na kabilang sa mga nadiskubre nilang hospital waste ay diapers, gasa, syringe, gamot, pinaggamitan ng dextrose, at iba pa na mapanganib kapag ibinaon dahil kung umulan ng malakas ay kakatas ito papunta sa deep well at maiinon ng mga residente.
Binigyan ng denr ang mga alkalde ng Bacolor, Porac, at San Fernando, Pampanga ng 7 araw para isumite sa kanila ang action plan ng mga ito para sa dumpsites.