Sugatan ang apat na high school students sa pagsabog ng isang granada sa isang paaralan sa Zamboanga Del Sur.
Ayon kay Lt. Col. Benedicto Manquiquis, pinuno ng First Infantry Division ng Public Affairs Office, sumabog ang isang M203 Cartridge sa harapan ng Poblacion Lakewood National Comprehensive High School sa Pagadian City.
Sugatan sa insidente ang mga estudyanteng sina Jhonny Daluyon, 13; Rodolfo Halius, 17; Alona Fe Clarabal, 14; at Treshea Mae Clamonte, 13.
Kritikal naman ang kondisyon nina Daluyon ay Halius.
By Meann Tanbio