Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang apat na mga foreign national sa apat na magkakahiwalay na lugar.
Kasunod ito ng ginagawang kampanya ng ahensya para maaresto ang tinatayang 100 mga overstaying aliens sa bansa.
Ayon kay Immigration Commissioner Siegfreid Mison, arestado ang 4 sa Davao, Tagum City, Cavite at Marilao, Bulacan.
Sapat na aniya ang ibinigay na isang taong inilaan para sa mga iligal na dayuhan para mai-proseso ang kanilang mga papel at maging legal dito sa Pilipinas.
Nahaharap sa deportation ang sinumang mga dayuhan na walang sapat na papeles para manatili sa bansa.
By Rianne Briones