Pinagpapahinga ng 5 araw ni Gilas Pilipinas Head Coach Tab Baldwin ang apat na players nito.
Kabilang dito sina Rain or Shine players Gabe Norwood, Paul Lee at Jeff Chan gayundin si Alaska player Calvin Abueva na pawang naglaro sa kakatapos na PBA Commissioner’s Cup.
Tiniyak ni Baldwin na magiging mahigpitan na ang kanilang ensayo para sa FIBA Olympic qualifying tournament kapag nagbalik na sa training ang Gilas Pilipinas.
By Judith Larino