Pinangangambahan ni Calixto Chikiamco, Presidente ng Foundation for Economic Freedom na maaaring abutin ng apat hanggang limang taon ang pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas kung hindi magkakaroon ng reporma sa ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Chikiamco, dapat na luwagan ng bansa ang foreign ownership sa pamamagitan ng Charter Change gaya ng Thailand at Vietnam kung saan niluwagan nito ang kanilang batas para makapanghikayat ng mga dayuhang mamumuhunan.
Para naman kay Philippine Retailers Association President Rosemarie Bosch Ong, dapat na maayos muli ang pagkonsumo ng mga pangangailangan para muling makabangon ang ekonomiya ng bansa.
Dagdag pa ni Ong, kung ikukumpara ang ekonomiya ng bansa noong 2020, bahagya aniyang gumanda ang estado ng ekonomiya ng Pilipinas sa pagpasok ng 2021, subalit kung ikukumpara noong 2019 ito ay maliit lamang na progreso.
Matatandaang tatlo hanggang apat na porsyento ang itinaas ng ekonomiya ng bansa ngayong taon batay sa nakaraang ulat ng mga ekonomista.—sa panulat ni Agustina Nolasco