Patay ang 4 na hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf group (ASG) at isang sundalo matapos magka-bakbakan sa bayan ng Patikul sa Sulu.
Ayon kay Maj. Gen. Corleto Vinluan, commander ng Joint Task Force Sulu, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga nasawi sa insidente.
Nakatanggap umano ng impormasyon ang mga sundalo hinggil sa presensya ng mga bandido sa barangay Kabbon Takas.
Nang puntahan ang lugar, doon na naganap ang bakbakan.
Inaalam naman ng militar kung totoo ang nakalap nilang impormasyon na bayaw ni Abu Sayyaf leader Radulan Sahiron ang isa sa mga napatay sa nabanggit na engkwentro.