Hinarang ng mga kawani ng Bureau of Immigrations (BI) ang apat (4) na hindi dokumentadong mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na papaalis ng bansa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa Immigration, nagpanggap na turista ang mga nabanggit na OFWs at magtutungo sana sa Thailand.
Batay sa record, dati nang nagtrabaho bilang mga household workers sa Dubai ang mga hinarang na OFWs.
Kasabay nito, muling pinaalalahanan ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang mga OFWs na sundin ang alintuntunin at mga kinakailangang dokumento bago makapagtrabaho sa ibang bansa.