Aabot sa 4,000 pulis ang ipapakalat sa Maynila bukas.
Ito ay para tiyakin ang kaligtasan ng milyun-milyong debotong dadagsa upang makilahok sa tradisyunal na traslacion ng Itim na Nazareno.
Pinayuhan ng Manila Police District (MPD) ang mga motorista na iwasan muna ang pagbiyahe sa lungsod ng Maynila dahil sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa kabila ng mga rerouting plan.
Maliban dito, apektado rin dahil sa traslacion bukas ang secondary roads sa Metro Manila.
Samantala, muli namang binigyang diin ng Philippine National Police (PNP) na wala silang namomonitor na may mga nagnanais maghasik ng karahasan sa traslacion ng Itim na Nazareno.
By Ralph Obina