Apat na kabataang mula sa lugar na sinalanta ng typhoon Yolanda ang nabigyan ng pagkakataong maging kinatawan ng Pilipinas sa Football for Hope Festival sa Russia.
Ang apat na kabataan ay napili ng Football for Life Academy bilang bahagi ng kanilang psychosocial support sa mga nasalanta ng bagyo.
Isa lamang ang Pilipinas sa apatnapu’t walong (48) bansa na lalahok sa FIFA Football for Hope Festival.
Nais nina Daniel Ocenar, Nilda Macion, Carl Ladios at Marianne Yman na ipakita sa buong mundo kung paano nagkaroon ng pagkakaisa at pagkakabigkis ang mga taga-Tacloban matapos masalanta ng bagyong Yolanda.
—-