Apat na ang naitalang kaso ng walking pneumonia sa bansa.
Ayon sa Department of Health, gumaling na ang mga pasyenteng tinamaan ng walking pneumonia na 0.08% lamang din anila ng naitalang influenza-like illnesses sa bansa mula Enero hanggang Nobyembre.
Muling tiniyak naman ni Health Secretary Ted Herbosa na walang outbreak ng walking pneumonia sa Pilipinas, sa kabila ng pagtaas ng kaso ng mga respiratory illness sa China, at iba pang bansa.
Dagdag pa ng opisyal, hindi na bagong virus ang nasabing sakit, at nagkaroon na ito ng kaso sa bansa noon.
Naitala ang unang kaso ng naturang virus noong Enero, isa noong Hulyo, at dalawa nitong Setyembre. - sa panulat ni Charles Laureta