Apat katao kabilang ang isang Pilipino na may kaugnayan umano sa Islamic State ang inaresto ng Malaysian Police sa Sabah at Kuala Lumpur.
Kinilala ang isa sa mga suspek na si Mahmud Ahmad, isang Malaysian na dating University Professor at leader ng terrorist cell na nag-ooperate sa Mindanao.
Ayon kay Royal Malaysian Police Chief, Inspector-General Khalid Abu Bakar, inatasan ni Ahmad ang kasabwat na Filipino na mag-recruit ng mga tauhan mula Bangladesh, Malaysia at Indonesia maging ng mga Rohingya Muslim mula Myanmar.
Plano ng grupo na gamitin ang Sabah bilang transit point patungong Mindanao para sa mga South at Southeast Asian militant recruit na nais sumali sa ISIS sa Pilipinas.
Napag-alaman din na umanib ang grupo ni Mahmud sa Abu Sayyaf at nangako ng katapatan kay ASG Leader at most-wanted ng Pilipinas na si Isnilon Hapilon.
By Drew Nacino