Apat katao ang umano’y nalason matapos kumain ng bilasang isda sa Kidapawan City.
Ayon kay Roy Eboy, isa sa mga biktima, kinain nila ang isdang pirit o common mackerel na prinito matapos maglagay ng takip sa isang funeral activity.
Ilang minuto lamang aniya matapos nilang makain ang isda ay nahilo na sila, nagsusuka at sumakit ang tiyan.
Ang iba pang biktimang nakilalang sina Edgar Soriano, Antonio Bayaan at isang Eddie, pawang residente rin ng Barangay Meohaw.
Tumanggi ang mga biktima na magpasugod pa sa sopital at sa halip ay uminom na lamang ng maraming buko para ma rehydrate.
Sinabi ni Eboy na magrereklamo siya sa barangay lalo na’t nalaman nilang ang isda na binili, niluto at ipinakain sa kaniya ay para sa mga aso.