Patay ang apat katao habang libu-libo ang sugatan sa ginanap sa fire festival sa Iran.
Ayon sa awtoridad tinatayang nasa tatlong libo apatnaraan at limampung (3,450) katao ang sugatan sa taunang selebrasyon na ginagawa bago sumapit ang Persian New Year.
Ang nasabing tradisyon aniya ay isang popular na aktibidad sa mga Iranians kung saan sila ay gumagawa ng mga bonfires at tinatalunan ito habang kumakanta.
Mga kabataan umano ang karamihang naghanda sa mga bonfires at hinagisan ng mga bote na puno ng gaas na naging dahilan ng pagsabog nito.
—-