Patay ang apat (4) katao, kabilang ang isang babae, matapos pagbabarilin sa lungsod ng Pasig.
Nakilala ang mga biktima na sina Rex Sta. Ana, Estrella Montefalcon alyas Star, Jeffrey Cartas, at Rene Balaquiao Borge-os, kapwa nakatira sa Barangay San Nicolas.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, anim na armadong lalaki ang bigla na lang pumasok sa bahay ni Sta. Ana at pinagbabaril ang mga biktima.
Sinasabing dati nang sumuko si Sta. Ana sa Oplan Tokhang ng PNP o Philippine National police.
Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang naturang krimen.
By Jelbert Perdez