Apat (4) katao sa bayan ng Pagudpud sa Ilocos Norte ang nag-positibo sa chikungunya.
Kinumpirma ito ni Mayor Marlon Sales Matapos sumailalim sa laboratory examination sa regional office ng Department of Health (DOH) ang sample ng dugo ng mga naturang residente.
Ipinabatid pa ni Sales na gumagaling na ang mga biktima subalit nagpatawag na rin siya ng emergency meeting para gumawa ng mga kaukulang hakbang laban sa chikungunya sa kanilang bayan.
By Judith Larino