Apat katao na sakay ng isang tradisyunal na jeepney na may bandila ng Piston ang inaresto ng mga pulis malapit sa Quezon Memorial Circle.
Ayon kay Philippine National Police National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Major General Debold Sinas, hinuli ang apat dahil hindi pa pinapayagan sa kalsada ang mga traditional jeepneys.
Iwina-wagayway rin di umano ng apat ang bandila ng Piston habang umiikot sa Quezon Memorial Circle.
Dinala ang apat sa Camp Caringal upang sampahan ng kaukulang kaso.
Unang-una bawal ‘yung jeep. By all means, bawal ‘yung jeep. Kung sabihin nila, social distancing, mayroon naman pasahero na apat lang,” ani Sinas.