Dead on the spot ang apat na kidnapper at isang opisyal ng pulisya matapos ang nangyaring engkuwentro sa bayan ng Angat, lalawigan ng Bulacan.
Ayon sa report na ipinarating sa Kampo Crame, sinagip ng mga tauhan ng PNP Anti-Kidnapping Group ang kidnap victim na si Raziel Esguerra na sinasabing nasa barangay Sta. Lucia sa nasabing bayan dakong ala-1:00 kaninang madaling araw.
Agad umanong natunugan ng mga kidnappers ang pagdating ng mga awtoridad kaya’t sinalubong ang mga ito ng putok ng baril kung saan, tinamaan agad ang lider ng PNP-AKG na si Supt. Arthur Masongsong gayundin ang isa pang opisyal na si C/Insp. Reynaldo Lumactod.
Sinawing palad na si Masongsong bago pa man ito dumating sa pagamutan habang kasalukuyan namang nagpapagaling si Lumactod.
Magugunitang nagpasaklolo sa PNP-AKG ang pamilya ni Esguerra makaraang humingi ng 15 milyong pisong ransom ang mga suspek at pinagbantaan pangpapatayin ang biktima.
(Ulat ni Jonathan Andal)