Apat pang lugar ang nananatiling positibo sa red tide toxins.
Kabilang dito, ayon sa BFAR ang Matarinao Bay sa Eastern Samar, Lianga Bay sa Surigao Del Sur, katubigang sakop ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol at katubigang sakop ng Milagros sa Masbate.
Dahil dito, muling ibinabala ng BFAR ang paghango, pagbebenta at pagkain ng mga lamang dagat mula sa mga naturang lugar maliban lamang sa mga isda, pusit, hipon at alimasag bagama’t kailangan pa ring linisin at lutuing mabuti ang mga ito bago kainin.