Umabot na sa 4 milyon ang bilang ng mga indibidwal na fully vaccinated na laban sa COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakamit ito dahil nakapagbabakuna ang bansa ng average 257,157 katao kada araw.
Aniya, nakapag-administer na ang gobyerno ng 14,074,514 doses ng iba’t ibang brand ng COVID-19 vaccine.
Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 50 hanggang 70% ng ‘adult population’ upang maabot ang ‘herd immunity’ bago matapos ang taon.
Gayunman, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na mababa pa ang vaccination coverage ng bansa.
Ayon kay Duque, ang bilang ng mga indibidwal na kumpleto na ng bakuna ay 5 hanggang 6% pa lamang ng target na bilang ng gobyerno. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico