Inihayag ni cabinet Secretary Karlo Nograles na 4 milyong doses ng COVID-19 vaccine ang natiyak ng inter-agency task force (IATF) upang ipamahagi sa National Capital Region.
Kasunod ito ng kahilingan ng Metro Manila mayors dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Dagdag pa ni Nograles, ang mga dadating na bakuna sa bansa ay ilalaan sa NCR.
Maliban sa NCR, mabibigyan din ng nasa 2.5 milyong doses ng bakuna ang mga lalawigan ng Rizal, Laguna Cavite, At Bulacan.
Samantala, sinabi naman ni National Task Force against COVID-19 deputy chief secretary Vince Dizon na dadagdagan din ang mga vaccination site sa Metro Manila upang maging accessible sa mga residente ang pagbabakuna—sa panulat ni Hya Ludivico