Ibubuhos sa Metro Manila ang dagdag na 4-M doses ng bakuna kontra COVID-19.
Tiniyak ito ni Secretary Vince Dizon, Deputy Chief Implementer ng National Taks Force Against COVID-19 bilang pagbibigay sa request ng local chief executives sa NCR.
Sa gitna na rin ito nang paghahanda sa pagsailalim muli ng Metro Manila sa ECQ simula sa Agosto 6 hanggang 20.
Ipinabatid ni Dizon na 2.5-M doses din mula sa mga darating na bakuna ay ikakalat naman sa iba’t-ibang probinsya sa NCR+.