Umaabot sa apat (4) na milyong piso halaga ng mga ari-arian ang natupok matapos masunog ang isang warehouse sa Maypajo, Caloocan City.
Sa inisyal na imbestigasyon, mabilis na kumalat ang apoy sa nasabing bodega na pinag-iimbakan ng mga flammable chemicals.
Sinabi ni Caloocan Fire Marshal Fire Supt. Antonio Razal na kinailangan nilang i-kordon ang lugar upang hindi na madamay pa ang kalapit nitong gusali.
Hinala ng mga otoridad, faulty wiring ang dahilan ng sunog.
By Meann Tanbio