Nangako ang bagong Philippine Marine Corps Commandant na si M/Gen. Ariel Caculitan na tututukan nito ang apat na major capabilities ng kanilang hanay.
Sa kaniyang pormal na pagupo bilang bagong commandant ng Marines, sinabi ni Caculitan na kaniyang palalakasin ang national maneuver amphibious force, coastal defense, special operations at humanitarian aid and disaster.
Paiigtingin din sa ilalim ni Caculitan ang reserve force development partikular na ang integration ng mga marine reservist mula sa regular force.
Kasapi si Caculitan sa Philippine Military Academy (PMA) Makatao class of 1989 at isang naval aviator na nakakuha ng best flying award sa takbo ng kaniyang karera.