Apat na mangingisda ang nasawi at isa pa ang nawawala matapos lumubog ang kanilang bangka sa Bagac, Bataan dahil sa malalaking alon.
Kinilala ang mga nasawi na sina Alexander Mesina, Tirso De Guia, Edgar Balboa at Gregorio Limboc.
Ayon kay commodore Armand Balilo, spokesperson ng Philippine Coast Guard, hinahanap pa ng kanilang team sa Bataan at ng maritime group ang nawawalang mangingisda na nakilalang si Jemar Dacillo.
Nakapag-isyu na rin naman aniya sila ng notice to mariners sakaling makita ang nasabing mangingisda lalo’t daanan ng barko ang nasabing area.
45 mangingisda ang unang nasagip sa nasabing insidente.